
Patuloy na binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang epekto ng inflation sa bansa.
Ito ay makaraang pumalo sa 4.1% ang inflation o antas ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa nitong Marso, mula sa kanilang unang forecast na 3.1 hanggang 3.9%.
Epekto na raw ito ng pagmahal ng transport related costs bunsod ng nagpapatuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan na nagresulta sa pagmahal ng bilihin kabilang na ang bigas.
Sabi ng BSP, sakaling magtuloy-tuloy pa ang oil price shock ay posibleng madamay pa ang ilang bilihin.
Sa ngayon, babantayan daw ng BSP ang mga datos para malaman kung ano ang magiging hakbang para manatiling kontrolado ang presyo ng bilihin bago ang kanilang monetary policy meeting.
Facebook Comments










