
Itinanggi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may miyembro sila na gustong magbitiw.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, hindi totoo ang lumabas na impormasyon at buo pa rin ang mga miyembro ng komisyon.
Aniya, magpapatuloy ang ICI sa ginagawang imbestigasyon base sa kanilang mandato na alamin at papanagutin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control project.
Sinabi pa ni Hosaka na tuloy din ang mga pagdinig upang malaman ang puno’t dulo ng korupsiyon.
Matatandaan na lumabas ang isyu matapos sabihin ng isang kongresista na may miyembro umano ng ICI ang nais magbitiw dahil nawawalan na umano ito ng pag-asa sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon.
Facebook Comments









