ICI, tiniyak na tuloy ang trabaho ng kanilang Asset Recovery Technical Working Group

Tiniyak ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) special adviser Rodolfo Azurin Jr. na tuloy ang trabaho ng kanilang Asset Recovery Technical Working Group.

Ayon kay Azurin, inabisuhan nila ang mga kasapi ng TWG na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin na paghabol sa mga ninakaw sa bayan ng mga sangkot sa flood control projects.

Kahapon, ipinagpatuloy ng Asset Recovery Technical Working Group ang kanilang ika-limang pagpupulong.

Nakatutok din ngayon ang Komisyon sa pagrekober sa iba luxury vehicles ni dating Cong. Zaldy Co.

Ito ay matapos na makita ang 34 na susi ng mga sasakyan na hawak ng tauhan ni Co.

Facebook Comments