Isang Improvised Explosive Deviced ang narecover kaninang 6:25 ng umaga ng tropa ng 57th Infantry battalion sa national hiway ng barangay Satan Shariff Aguak maguindanao kung saan pansamantalang isinara sa mga motorista ang daan ng Cotabato Gensan road habang nagsasagawa ng disruption sa naturang bomba.
Ayon sa report, grupo umano ng Bangsamoro Islamic Freedon Fighter ang responsable sa pag iwan ng bomba na target ang mga sasakyan ng sundalong dumadaan sa national hiway.Mabuti na lamang daw at nakita ng isang civilian ang nasabing IED at mabilis na inereport sa kapulisan at kasundaluhan ng 601st Brigade na nakabase sa Old Capitol.
Yari umano sa 105 howitzer ang component ng bomba na may cellphone bilang triggering deviced…6:48 ng umaga ng muling binuksan sa motorista ang national hiway..Nasa pangangalaga ngayon ng 32nd EOD team ang naturang IED.
IED gawa sa 105 howitzer narecover sa barangay Satan Shariff Aguak
Facebook Comments