IGINIIT | Draft ng federal constitution, pinapasapubliko ni Sen. Escudero

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Francis Chiz Escudero ang pagsasapubliko ng draft ng federal constitution na binuo ng Consultative Committee o Con-Com na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno.

Nagtataka si Escudero kung bakit isinisekreto ang draft sa halip na ilathala ito ng buo para mabasa ng mga Pilipino.

Ayon kay Escudero, ang nagsulat ng draft charter para sa pederalismo ay pawang hinirang lang ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi lahat ng talino ay taglay ng mga ito para maperpekto ang draft constitution.


Dagdag pa ni Escudero, hindi rin natin alam kung saan nanggaling ang mga miyembro ng Con-Com at anong mga sektor ang kanilang kinakatawan.

Paliwanag ni Escudero, sa oras na mailabas ang kabuuang laman ng draft ay tiyak na magkakaroon ng input o suhestyon ang lahat ng sektor sa lipunan para ito ay higit na mapabuti.

Facebook Comments