SASALAIN | Pagsala sa mga nais maging miyembro ng special group ni P-Duterte, ipatutupad

Mahigpit na isasagawa ang pagsala sa kung sino man ang mga magiging kasapi ng special group o death squad na nais itatag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pantapat sa liquidation squad ng New Peoples Army (NPA) na SPARU o Special Partisan Unit.

Ito ang tiniyak ni PDG Oscar Albayalde, matapos ang pahayag ng Pangulo na magtatatag siya ng mala ‘Davao Death Squad’ (DDS) na grupo na gagamitin kontra sa NPA at pati na sa illegal drugs.

Ayon kay PNP Chief ang mga kwalipikado lamang na magdala ng baril na may LTOPF at PTCFOR ang papayagan.


At gaya ng mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU na may supervisor na aktibong sundalo o opisyal ng AFP, ay ganito rin ang mangyayari sa grupong ipatatayo ng Pangulo.

Kailangan pa rin ng mahigpit na supervision ng mga awtoridad.

Facebook Comments