Iilang Mining Companies sa Surigao Del Norte at Caraga inirereklamo ng mga kawani

Iilang Mining Companies sa Caraga inirereklamo ng mga kawani Inirereklamo ng iilang mga kawani ang kanilang pinagtatrabahuang Mining Companies dito sa Surigao Del Norte at Caraga Region. Ito ang inamin ni Jun Montilla, ang representative ng National Mediation and Conciliation Board. Tinukoy nito ang CTP at MDC ng Surigao Del Sur, Pilipinas Palm Oil sa Agusan Sur, Greenstone Mining, Hinatuan Mining at Cagdianao Mining ng Surigao Del Norte. Iilang isyu at reklamo laban sa mga kampanya ang mababa na sahod, hindi ginawang regular ang iilang taon nang nagtatrabahong kawani at ang paglabag sa Labor Only Contracting. Sa naturang sitwasyon, diumano’y ipinaabot na nila ang reklamo sa mga opisyal ng Dept. Of Labor and Employment.

Facebook Comments