IIMBESTIGAHAN | DOJ, paiimbestigahan ang umano ay pagsira sa ilang mahahalagang dokumento sa opisina ni dating Secretary Vitaliano Aguirre

99

Manila, Philippines – Paiimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang isyu ng pagsira sa mga dokumento sa opisina ni dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, aalamin niya kung totoong ipina-“shared” ni Aguirre ang ilang mahalagang dokumento bago magbitiw sa pwesto.

Aniya, personal rin niyang tatanungin si Aguirre kung anong klaseng mga dokumento ang mga ipinasira nito.

Sa kanyang statement, tinawag naman ni Aguirre na malisyoso ang pagkakasulat ng nasabing balita.

Aniya, wala siyang inutusan para i-shared ang mga dokumento sa huling araw niya sa DOJ.

Wala rin anya siyang nakikitang mali sa shredding ng mga papeles lalo na kung pawang basura na ang mga ito.

Facebook Comments