IIMBESTIGAHAN | NBI, papasok na sa imbestigasyon sa pagpatay kay dating Ozamiz City Prosecutor Geronimo Marave Jr.

Manila, Philippines – Papasok na rin ang National Bureau of Investigation o NBI sa imbestigasyon sa pagpatay kay dating Ozamiz City Prosecutor Geronimo Marave Jr.,

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng case buildup at imbestigasyon sa pag-ambush kay Marave noong Martes ng umaga sa Ozamiz City.

Tiniyak din ni Guevarra na hindi magpapatinag ang mga piskal sa pagganap sa kanilang tungkulin.


Si Marave ay pinagbabaril ng apat na hindi pa nakilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Ozamiz City.

Nagsilbi si Marave bilang public prosecutor sa ilang drug case na kinasangkutan ng mga Parojinog sa Ozamiz.

Facebook Comments