IIMBESTIGAHAN | Pagkamatay ng isang preso sa Bacoor City Custodial Center, patuloy na inaalam

46

Bacoor City – Inaalam na ngayon kung ano ang tunay na dahilan nang pagkamatay ng isang inmate sa Bacoor City Custodial Center.

Nabatid na dead on arrival si Kenneth Alceso nang isugod sa Las Piñas District Hospital.

Ayon sa Duty Jailer na PO1 Samalio Duty, tinawag siya ng iba pang inmates para ipabatid na may hinimatay na preso.

Nakita pang naghihingalo si Alceso kaya at agad nila itong dinala sa nabanggit na hospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon nasa Mesina Funeral ang katawan ni Alceso para sa isinasawang autopsy habang patuloy ang imbestigasoyn sa pagkamatay nito.

Facebook Comments