IIMBESTIGAHAN | PDEA, magkakasa ng hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring ambush sa Lanao del Sur

Manila, Philippines – Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng pananambang sa kanilang mga ahente sa Lanao del Sur.

Ayon kay PDEA Spokesperson Derek Carreon, minarapat na rin nilang magkaroon ng hiwalay na imbestigasyon sa PNP para malaman kung sino ang nasa likod ng pananambang at mapanagot ang mga ito.

Magtutungo rin aniya sa Lanao del Sur si PDEA Director Aaron Aquino para personal na makiramay sa mga naulila ng limang PDEA agents.


Isa naman sa mga tinitingnang motibo sa krimen ay may kinalaman ito sa trabaho ng mga nasabing ahente ng PDEA.

Facebook Comments