IKA-52 BALAY SILANGAN SA REHIYON DOS, BINUKSAN NA; 14 REFORMISTS, SASAILALIM SA REFORMATION PROGRAM

Binuksan na ang pinto ng bagong Balay Silangan Reformation Center sa Aritao, Nueva Vizcaya kamakailan.

Ito ay pinasinayaan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 (PDEA RO 2) sa pangunguna ni Regional Director III Joel Plaza, Director II Christy Silvan kasama si PDEA Nueva Vizcaya Provincial Office Godofredo Wasin, Chief Provincial Intelligence Unit PNP NVPPO at mga miyembro ng BS Aritao Technical Working Group (TWG) noong ika-18 ng Nobyembre 2022.

Ang naturang reformation center ay ang ika-52 Balay Silangan sa Lambak ng Cagayan at pang sampu sa probinsya ng Nueva Vizcaya na matatagpuan sa Demo Farm, Brgy. Darapidap, Aritao.

Samantala, may 14 na reformist ang isasailalim sa isang buwan in-house reformation program sa nasabing Balay Silangan.

Kaugnay nito, binigyan din ng bigas at grocery packs ang mga pamilya ng 14 reformists para masustentuhan ang kanilang mga pangangailangan habang sumasailalim ang kanilang mahal sa buhay sa reformation program.

Facebook Comments