Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-52 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Laoag.
Sinimulan ang selebrasyon ng isang programa na dinaluhan ng mga opisyal ng syudad sa pangunguna nina Hon. City Mayor Chevylle V. Fariñas at Hon. City Vice Mayor Michael V. Fariñas. Mula sa 80 barangays, nakiisa rin ang mga kapitan at mga kagawad, kasama ang mga iba’t ibang organisasyon. Ang mga empleyado ng City Hall at mga iba pang kawani ng City Government ay nakibahagi rin upang mas maging makabuluhan ang diwa ng nasabing pagdiriwang.
Sa talumpati ni Mayor Fariñas, binigyang diin niya na ang mga Laoageñoes ay may taglay na dignidad, pagmamahal, at katapangan sa lahat ng laban sa buhay. Sila ang inspirasyon ng bawat isa na maging dedikado sa trabaho upang maging matagumpay ang kinabukasan. Dagdag pa niya na ang mga Laoageñoes ay may pagkakaisa tungo sa iisang adhikain na maging produktibo at progresibo bilang isang lungsod. Nararapat lamang na panatilihin ang respeto upang ang katahimikan ay maghari sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Sa pagwawakas ng kanyang mensahe, sinabi niya na ang Laoag City ay ang SUNSHINE na magsisilbing tanglaw ng mga Laoageñoes ngayon at magpakailanman.