IKA-8 ANIBERSARYO NG EAGLE RESPONSE TEAM DAGUPAN CHAPTER, IPINAGDIWANG

Ipinagdiwang ng Eagle Response Team (ERT) Dagupan Chapter ang kanilang ika-8 anibersaryo noong Enero 12, bilang paggunita sa walong taong boluntaryong serbisyo at pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng komunidad.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga volunteer, opisyal, at miyembro ng organisasyon upang balikan ang mga naging gawain ng grupo sa larangan ng emergency response, disaster assistance, at community service sa lungsod ng Dagupan.

Sa loob ng walong taon, kinilala ang ERT Dagupan Chapter bilang isa sa mga organisasyong aktibong tumutulong sa panahon ng sakuna at iba pang emerhensiya, kung saan boluntaryo at walang hinihintay na kapalit ang kanilang paglilingkod.

Sa anibersaryo, binigyang-halaga rin ang patuloy na paghikayat sa mas maraming kabataan at mamamayan na makilahok sa volunteerism at tumulong sa pagpapatibay ng kultura ng bayanihan sa komunidad.

Patuloy namang inaasahang gaganap ng mahalagang papel ang Eagle Response Team Dagupan Chapter sa pagtulong sa mamamayan at sa pagsusulong ng malasakit at kahandaan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments