IKAAPAT NA LIBRENG SAKAY BANKA EDITION SA BARANGAY ISLAND, LAKING PASASALAMAT NG MGA RESIDENTE NG BRGY. CALMAY AT CARAEL

Naghatid muli ang iFM Dagupan sa ikaapat na pagkakataon ng libreng sakay banka edition para sa mga residente ng barangay island sa lungsod ng Dagupan, kahapon ika 8 ng Mayo 2023.
Ilan sa mga nabigyan serbisyo ng istasyon ng mga nagdaang libreng sakay banka edition ang mga sumusunod na barangay tulad Calmay, Carael, Salapingao at Pugaro.
Sa huling pagkakataon ay naghatid muli ng serbisyo ang iFM Dagupan Team sa Brgy. Calmay at Carael na kung saan ay laking pasasalamat muli ng mga residente sapagkat bawas gastusin ito para sa kanilang pang araw-araw.
Muli Idol, kami ay taos pusong nagpapasalamat sa mga Idol natin sinamahan tayo at nabigyang ng libreng sakay Banka- edition ng 104.7 iFM Dagupan!
Facebook Comments