Ikalawang batch ng ACMs na gagamitin sa 2025 elections, dumating na sa warehouse ng Comelec sa Laguna

Dumating na sa Commission on Elections o Comelec warehouse sa Santa Rosa, Laguna ang ikalawang batch ng Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.

Ang naturang mga kahon ay agad na isinailalim sa inspeksyon ng mga tauhan ng Komisyon.

Kasama sa loob ng mga kahon ang ang mismong makina, privacy screen, mga kable, at adapter.


Wala namang kasamang mga baterya sa shipment dahil sa highly flammable ang baterya ng ACM.

Facebook Comments