Ilan sa government employee ng Misamis Oriental, tutol sa panukalang 4-day work week

Tutol ang ilan sa mga empleyado ng Misamis Oriental provincial capitol sa House Bill 6152 kung saan nakasaad na kailangang maglaan ng sampong oras sa isang araw mula Lunes hanggang Huwebes ang mga empleyado.
Hindi aniya maaring ipatupad ang nasabing batas lalo na’t karamihan sa mga empleyado ng Kapitolyo ang nakatira sa malalayong lugar ng probinsya.
Kailangan rin aniyang umuwi sila ng maaga lalo na’t nasa ilalim pa ng Martial Law ang buong pulo ng Mindanao at sakop dito ang Misamis Oriental.
By: Lovelyrose Sambaan

Facebook Comments