Dalawang rider-snatcher, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking naka-motorsiklo dahil sa panghahablot ng cellphone sa barangay Ramon Magsaysay, Quezon City.

Naharang ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at pinababa sa motorsiklo ang mga suspek na sina Jun Belarmino at Bryan Corvera.

Bago ito, nakapagsumbong agad sa barangay ang babaeng bikitma.


Ayon kay barangay ex-o Eduardo Rodriguez – tiyempo niyang nasaksihan ang panghahablot sa biktima kaya agad siyang nagpasaklolo sa MMDA.

Narekober ang cellphone ng biktima sa suot na brief ni Corvera.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery-snatching.

Facebook Comments