9 na mga barangay sa North Cotabato ang nakatanggap ng multicab mula sa provincial government .
Ang naturang mga bagong multicab ay tinanggap ng barangay officials ng Barangay New Janiuay, Mlang, Sta. Felomina, Katipunan at Sto Niño ng bayan ng Makilala, Polayagan at Raradangan ng Alamada, Lampayan at Dalapitan ng Matalam at Bulol ng bayan ng Pikit.
Ang mga multicab ay gagamitin umano sa official transactions at tuwing tutugon o reresponde sa mga sakuna at kalamidad o emergency situations.
Ang turn over ceremony ay dinaluhan nina Board Members Noel Baynosa, Rose Cabaya at Sarah Joy Simblante.
Nagpapasalamat naman ang barangay chairmen sa behikulong natanggap nila, pagtupad anila ito sa pangako ni Gov. Emmylou “Lala” Talino-Mendoza ng pagsulong at kaunlaran ng lalawigan.(photo:CTTO)
Ilang barangay sa North Cotabato, nakatanggap ng multicab mula sa provincial government!
Facebook Comments