Ilang bayan sa Leyte, binaha dahil sa LPA

Ilang bayan na sa probinsya ng Leyte ang binaha dahil sa mga pag-ulang dala ng Low Pressure Area (LPA).

Sa interview ng RMN DZXL 558, sinabi ni Leyte PDRRMO Early Warning Officer Roel Monteza na simula pa noong Linggo ay tuloy-tuloy na ang pag-ulan sa probinsya.

Dahil diyan, abot hanggang tuhod ang baha sa mga bayan ng Babatngon, San Miguel, Capoocan, Santa Fe, Palo, at Carigara.


Nasa 3,666 na pamilya o 13,599 indibidwal naman ang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha.

Sa nasabing bilang, 115 pamilya o 336 na indibidwal ang dinala sa evacuation centers.

Hindi naman naapektuhan ang suplay ng tubig sa probinsya, gayundin ang suplay ng kuryente maliban sa ilang barangay sa San Miguel na nakaranas ng power interruption kahapon.

Facebook Comments