Mega Job Fair, isasagawa ng lokal na pamahalaan ng Navotas

Isasagawa ng lokal na pamahalaan ng Navotas sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO) ang Mega Job Fair ngayong araw (January 11, 2023).

Gaganapin ang Mega Job Fair sa Navotas City Hall Grounds mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Nasa libo-libong bakanteng trabaho ang iaalok ng iba’t ibang kompanya na kabilang sa isasagawang job fair.


Ang naturang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon para sa ika-117 anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas.

Bukod sa Mega Job Fair, isasagawa rin bilang bahagi ng selebrasyon ang iba pang aktibidad tulad ng Zumba, Health Caravan para sa mga Lolo at Lola, Funbikers’ Race, Open Air Martial Arts Exhibition, simultaneous clean-up activity, distribution ng cash aid para sa mga solo parents at financial literacy webinars.

Mamahagi rin ang Navotas local government unit (LGU) ng tig-5 kilong bigas sa lahat ng residente nito na sisimulan sa January 16-21, 2023.

Facebook Comments