Lubog ngayon sa tubig baha ang bayan ng Datu Montawal at Pagalungan sa Maguindanao habang binaha rin ang ilang barangay ng Pikit at Kabakan sa North Cotabato itoy bunsod ng bagyong si Vinta na bumaba ang tubig baha sa Bukidnon province na dire-diretso sa Pulangi river hanggang sa Lguasang Marsh.
Ayon sa salaysay ng mga residente ng Pagalungan dakong alas tres ng madaling araw kahapon ng mag umpisang umapaw ang mga ilog na pumasok sa mga kabahayan ang tubig, na kinahapunan ay lagpas tao na ang baha.
Nagmistulang ilog ang mga bahay at paaralan sa datu Montawal at Pagalungan kung saan ang kalsada o natiinal hiway na lang ang pansamantalang ginawang evacuation area ng libo-libong bakwit.
Kaagad namang nagbigay ng relief goods ang LGU ng Montawal sa mga residente grabeng naapektuhan ng baha…Habang nakatutuk naman ang provincial government ng Maguindanao at ARMM HEART Team sa sitwasyon sa binahang mga bayan.
Ilang bayan sa maguindanao at north cotabato binaha
Facebook Comments