
Kanselado na ang siyam na biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa epekto ng Bagyong Uwan.
Ayon sa pamunuan ng PITX, kabilang sa mga kanseladong biyahe ang CUL, Solid North, Saulog, P&O, at Barney na may rutang Eastern Samar, Baguio City, Olongapo, Naga, at San Andres.
Inabisuhan na rin ang mga apektadong pasahero para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.
Pinapaalalahanan naman ang lahat ng pasahero na i-monitor muna ang lagay ng panahon bago magtungo sa naturang terminal.
Facebook Comments









