Ilang daanan sa QC hanggang balikat na ang baha; mga sasakyan hindi na makadaan

Quezon City – Nag-abiso na ang Quezon City government para sa mga binabahang lugar ngayong araw.

Ayon kay QC-DRRMC Head Mike Marasigan, kaninang ala una ng hapon, hindi na pwedeng daanan ang Dapitan, Mayon, Barangay Sta. Teresita, dahil hanggang balikat na ang baha dito.

Hanggang balikat at hindi na rin pwedeng daanan ng lahat ng mga sasakyan ang Araneta/ NS Amoranto, Araneta/ Calamba, and Sto Domingo/ Calamba Barangay Sto Domingo kanina.


Hindi naman passable sa light vehicles ang Maria Clara cor. Don Jose Barangay Sto. Domingo dahil sa gutter deep na baha.

Dagdag pa ni Marasigan, kagaya rin ang sitwasyon sa West Riverside, Barangay Del Monte na gutter deep din.

Habang sa Gumamela Street at Waling Waling St, Barangay Roxas District atshoulder deep na rin ang tubig baha at hindi na passable sa lahat ng light vehicles.

Gayundin naman sa Araneta/Victoria Barangay Tatalon na hanggang balikat na rin ang baha.

Paliwanag ni Marasigan na dahil sa pagbaha, 10 pamilya na ang nailakas at ngayon ay nanunuluyan muna sa Champaca Basketball Court.

Facebook Comments