Nasagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo sa may tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila para kuwestiyunin ang resulta ng halalan ngayong araw.
Kabilang sa mga lumahok sa protesta ang ilang estudyante, human rights groups, at mga organisasyong Gabriela at Anakbayan.
Mahigpit naman ang seguridad sa COMELEC at maraming pulis ang nagkabantay.
Nagkaroon din ng tensiyon nang subukang lumapit ng mga demonstrador sa entrance ng gusali at bandang tanghali ay lumipat na ang mga grupo sa Liwasang Bonifacio.
Matatandaang ilan sa mga naging aberya noong halalan ay ang pagpalya ng maraming vote-counting machine (VCMs), dahilan para maantala ang botohan sa ilang polling precinct.
Facebook Comments