Nagmartsa papunta Office of the Ombudsman ngayong umaga ang nasa halos 100 kababaihan para magkasa ng kilos-protesta at magsampa ng reklamo laban kay Quezon City Fourth District Representative Jesus “Bong” Suntay.

Kasabay ng isinagawamg aksyon ay ang paggunita sa International Women’s Month.

Kung saan panawagan ng grupo na panagutin ang mambabatas matapos ang naging pahayag nito sa artistang si Anne Curtis.

Ayon kay Jean Enriquez, National Director ng World March of Women-Pilipinas na bagama’t sinabi ni Suntay na walang malisya ang kaniyang binitawang pahayag ay maituturing na malum prohibitum at dapat pa rin niya itong panagutan.

Naki-usap din siya na bigyang proteksyon ang aktres dahil aniya hindi nito ginusto na mabanggit ang pangalan nito at ituring na sexual object.

Ilan sa mga reklamong inihaim laban kay Suntay ay paglabag sa Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act, Magna Carta of Women, at Republic Act 6713 o ang Code of Cunduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Bukod sa kasong kriminal at administratibo, kinasuhan din ng grupo si Suntay sa ilalim ng Supreme Court Code of Professional Responsibility and Accountability bilang isang abogado ang kongresista.

Facebook Comments