Ilang improvised deadly weapons, narekober sa demolisyon sa ilang ‘kubol’ sa NBP

Giniba ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ilang “kubol” na nsa loob ng Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang nasa 500 piraso ng bladed at improvised deadly weapons.

Ayon kay BuCor Deputy Director General Gabriel Chaclag, layunin ng demolisyon na linisin ang East Quadrant sa mga hindi otorisadong bagay at ayusin ang security environment.


Aniya, maging ang ibang kampo ay lilinisin din para ma-clear sa mga iligal at hindi awtorisadong gawain.

Facebook Comments