
Arestado ang ilang katao matapos salakayin ng Binalonan Police Station ang umano’y talamak na ilegal na sugal na “mahjong” sa Brgy. San Felipe Sur, Binalonan, Pangasinan noong Nobyembre 16, 2025 ng hapon.
Sa unang mesa, naabutan at nadakip ang tatlong indibidwal: isang 69-anyos na balo at walang trabaho, isang 53-anyos na babae na may kinakasama, at isang 55-anyos na may-asawa at nagtatrabaho bilang corn at rice classifier.
Samantala, ang mga nasa ikalawang mesa ay nakatakas, ngunit positibong nakilala ng nag-report na concerned citizen.
Narekober sa lugar ang dalawang mahjong set, pitong monoblock chairs, dalawang wooden tables, at ₱3,200 na iba’t ibang denominasyon na pinaniniwalaang ginagamit sa pagsusugal.
Dinala naman sa Binalonan Police Station ang mga naaresto kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa wastong dokumentasyon at karampatang disposisyon alinsunod sa paglabag sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









