Ilang Kaso ng Katiwalian sa Isabela Iniimbestigahan na!Ayon Kay Belgica.

Cauayan City,Isabela-Tiniyak ni Presidential Anti -Corruption Commisioner Greco Belgica na pananagutin sa batas ang sinumang opisyal dito sa lalawigan ng Isabela na mapapatunayang nagkasala sa anumang uri ng korapsyon sa pamahalaan.

Sa Exclusibong panayam ng IFM Cauayan kay Belgica ,Inamin nito na may ilang mga katao na sa Isabela ang kanilang iniimbestigahan hinggil sa kanilang mga kinasasangkutan katiwalaan na naiparating sa kanyang tanggapan.

Ayon pa sa opisyal, kasalukuyan na silang nakikipag ugnayan sa ibat ibang ahensya upang maka kalap ng karagdagan ebidensya upang mas matibay ang mga kasong isasampa sa mga indibidwal na inirereklamo ng katiwalian.


Sa ginawang pagdalaw ng naturang opisyal sa lalawigan kasama si Senator Bong Go bilang mga paunauhing pandangal sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Isabela at pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ng pagbaha nitong nagdaan kalamidad, kanilang hinikayat ang mga mamamayan ng Isabela na tulungan sila na malipol,at labanan ang matinding korapsyon sa gobyerno lalo na sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsusumbong sa kanilang tanggapan lalo na kay pangulong Duterte hinggil sa pagsasamantala ng sinuman sa pamahalaan.

Tiniyak rin ng mga ito ,ang kaligtasan ng sinumang indibidwal na magsusumbong laban sa mga nagaganap korapsyon sa kanilang lugar lalo na sa mga opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments