Lumagda na ng kasunduan si Armenian Prime Minister Nikol Pashinyan kasama ang lider ng Azerbaijan at Russia upang wakasan ang giyera sa Nagorno-Karabakh, isang rehiyon sa Asia, oras lamang ang lumipas matapos tuluyan nang masakop ng Azerbaijan ang siyudad ng Shusha.
Ang Shusha ay isang maliit na siyudad at sentro ng Shusha District sa Azerbaijan na pinag-aagawan ng Armenia at Azerbaijan.
Ayon kay Pashinyan, napagdesisyunan ang pagkakaroon ng kasunduan matapos niyang suriin ang mga posibleng mangyari kung magpapatuloy pa ito.
Nabatid na tumagal muna ng anim na linggo ang giyera sa Nagorno-Karabakh kung saan maraming residente ang lumikas na sa ligtas na lugar.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang gobyerno sa Russia sa nasabing kasunduan na una nang kinumpirma ang balita.