Ilang matataas na opisyal ng PNP, binalasa, change of command ng bagong pinuno ng pambansang pulisya itinakda sa lunes

 

Bago tuluyang magretiro sa serbisyo, binalasa ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda ang apat na matataas na opisyal ng PNP.

Sa kautusang may petsang March 26, itinalaga bilang bagong Director ng Civil Security Group ang dating Director ng Directorate for Information and Communication Technology Management na si Maj. Gen. Neil AlinsaƱgan.

Pinalitan nito si PMaj. Gen. Benjamin Sil na itinalaga namang director ng Area Police Command-Eastern Mindanao.


Habang si BGen. Alan Nobleza ang Regional Director ng Police Regional Office in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang papalit kay MGen. AlinsaƱgan bilang Direktor ng DICTM.

Si BGen. Prexy Tanggawohn ang Director ng Communications and Electronics Service, ang siyang uupo ngayon bilang bagong regional director ng PRO BARMM kapalit ni Nobleza.

Samantala, imbes na ngayong araw, ipinagpaliban sa Lunes, April 1 ang change of command ceremony sa susunod na magiging pinuno ng Pambansang pulisya.

Una nang sinabi ni Acorda na mayroon na siyang napupusuang papalit sa kanya sa pwesto pero ang may final say pa rin dito ay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments