Ilang metro ng kable ng kuryente, nakumpiska sa Bilibid

191

Kabuuang 159 na electric meters at sub-meters ang nakumpiska ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prisons.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Justice Secretary Crispin Remulla na imbestigahan ang mga jumper at electric meter na iligal na nakakonekta sa Bilibid.

Sinabi ni Remulla na ang mga jumper ay mula sa mahigit 200 bahay sa medium security compound ng NBP.


Ayon sa kalihim, mismong ang mga guwardiya ng NBP ang nagma-may-ari ng mga bahay kung saan nakumpiska ang mga jumper.

Qualified theft ang maaaring kasong isampa sa mga sangkot sa pagkakabit ng mga iligal na koneksyon ng kuryente.

Facebook Comments