Mga pulis QCPD na sangkot sa umano’y ‘cover-up’ sa nangyaring hit-and-run, sinuspinde ng 90-days ng PLEB

235

Inirekomenda ng People’s Law Enforcement Board o PLEB-QC ang pagsuspinde ng 90 days sa dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District na si PLt. Col. Julio Abong.

Si Abong ay kinasuhan ng mga kapatid ng biktima ng hit and run na sina Arlene Laroa Buenvenida, Annale Laroa Alba at Armida Laroa Carbonel.

Kaugnay ito sa mga kasong grave misconduct, grave neglect of duty and conduct unbecoming of a police officer na isinampa ng PLEB-QC.


Kabilang din mga sinuspinde ay ibang pang police officer ng QCPD na kasabwat sa umano’y “cover-up” sa insidente.

Iginiit ng mga kapatid ng biktima, na si Abong ang nagmamaneho ng itim na Ford Ranger pick-up na may plakang NCG 8456, nang mabundol ang kanilang kapatid na tricycle driver, at sa halip na saklolohan ay tinakasan pa nito.

Kinasuhan din ng magkakapatid ang Station 3 Commander na si PCol. Alexander Barredo, at ang kaniyang subordinate, na si PCpl. Joan Vicente, dahil sa hindi pagdakip kay Abong.



 

Hindi rin pinaligtas ng magkakapatid na kasuhan ang traffic investigator na si PSMS. Jose Soriano sa kaniyang direktang partisipasyon para pagtakpan ang ginawang krimen ng opisyal.

Facebook Comments