Ilang mga lugar sa bansa, lubog pa rin sa baha – NDRRMC

Nananatiling lubog sa baha ang ilang lugar sa bansa.

Bunsod ito ng naranasang sama ng panahon sa ilang rehiyon noong Pasko.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa flooded areas ay ilang barangay sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro, mga bayan sa Caramoan, Camarines Sur, mayroon din mula sa bayan ng Goa, Lagonoy, Presentacion, Adiangao, Bombon, San Jose, Sipocot, Pamplona, Pasacao, Garchitorena.


May naitala ring pagbaha sa ilang bayan ng Naga, Camarines Norte, Albay at Catanduanes.

Habang ilang munisipalidad din sa Eastern at Northern Samar, Leyte, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Basilan ang lubog pa rin sa baha.

Sa nasabing bilang, lima ang mula sa MIMAROPA, dalawa sa Region 5, tatlo sa Region 10 at 38 mula sa mga bayan ng BARMM.

Samantala, base pa sa datos ng NDRRMC mayroon din namang mga lugar ang unti-unti nang humuhupa ang baha.

Nakapagtala rin ng landslide, maritime incident at ipo-ipo sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments