MGA HOG RAISERS SA ISABELA, BINIGYAN NG MGA BIIK AT FEEDS

Namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 ng mga biik at feeds sa mga piling mga magsasaka sa bayan ng Ramon at Isabela kahapon, Disyembre 26, 2022.

Nasa kabuuang 435 na mga biik at 870 bags ng mga feeds ang ipinamigay ng ahensya sa mga natukoy na benepisyaryo.

Pinangunahan ng Regional Livestock Program ng DA RFO 2 ang distribusyon ng mga biik bilang bahagi ng swine repopulation ng gobyerno sa ilalim ng Bantay African Swine Fever sa Barangay (BABayASF).

Ang tulong ay sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) program ng DA.

Facebook Comments