Tuesday, April 14, 2026

DA, magtatakda ng price cap sa imported rice dahil sa mataas na presyo

Asahang ipatutupad na ngayong buwan ng Department of Agriculture (DA) ang price cap sa imported na bigas.

Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel, napansin nitong masyadong mataas ang presyo ng imported rice sa merkado kaya kailangan itong makontrol.

Naglalaro ito sa P55 hanggang P57 na dapat ay P50 lang.

Maliban sa mataas na presyo, nagkakaroon na rin aniya ng profeiteering sa naturang klase ng bigas.

Facebook Comments