ILANG NEGOSYANTE SA TUGUEGARAO CITY, NAGSARA NG PWESTO

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong nagsara ng mga establisyimento ang ilang business owners sa Lungsod ng Tuguegarao.

Kasunod na rin ito ng lalong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Councilors League President Maila Ting-Que nauna na nila itong napag-usapan sa mga negosyanteng Filipino-Chinese Community bago pa ang lockdown sa Tuguegarao dahil sa lumalalang sitwasyon ng Covid-19.


Ginawa itong hakbang ng grupo ni Que sa mga natatanggap na tawag at mensahe mula sa mga medical frontliners na sila ay nahihirapan at nagkakasakit na dahil sa nakahahawang sakit.

Kabilang sa mga tumugon sa panawagan ni Que ang mga may-ari ng hardware, electrical store, at food establishments na magsasara ng hanggang isang linggo.

Kung mayroon mang mag-operate, gagawin muna ito sa pamamagitan ng takeout at 50% operation.

Facebook Comments