Ilang Overflowbridges sa Isabela, Hindi na madaanan dahil sa Pag-apaw ng tubig sa Ilog Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Hindi na madaanan ang ilang tulay sa probinsya ng Isabela dahil sa patuloy na nararanasang pag uulan bunsod ng Bagyong Ramon.

Ayon kay PDRRM Officer Basilio Dumlao, hindi na madaanan ang Sta. Maria at Sto. Tomas overflowbridges gayundin ang tulay sa Baculod sa siyudad ng Ilagan.

Dagdag pa ni Dumlao na hindi na rin madaaanan ang tulay ng Turod Banquero sa Bayan ng Reina Mercedes dahil nasira umano ito sa mga nakalipas na bagyo na halos isang taon ng hindi madaanan nmg mga motorista kaya alternatibong paraan ng mga residente ay ang sumakay sa bangka o umikot sa kalapit na bayan ng Gamu.


Tiniyak nang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO-Isabela) na handa ang kanilang hanay sa pagtugon sa insidente kaugnay sa nararanasang pag uulan sa ilang bahagi ng Probinsya.

Facebook Comments