Ipinagbawal ng Provincial Tourism and Cultural Office ang roller skating sa bahagi ng Capitol Reflective Pool habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng pasyalan at bilang hakbang pangkaligtasan ng mga bisita sa mga pampublikong espasyo.
Sa ibinahaging anunsyo ng Roller Skaters Club of Lingayen, buo ang kanilang pakikiisa sa direktiba ng tanggapan at hindi na magsasagawa ng skating activities sa naturang lugar.
Iginiit din ng grupo ang kanilang dedikasyon sa skating sa mas ligtas at angkop na lokasyon sa aprobadong espasyo sa Kapitolyo.
Kasalukuyan pang tinutukoy ang mga alternatibong lokasyon upang maipagpatuloy ang pagsasanay at pagtuturo ng responsableng roller skating sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










