Ilang personalidad sa “room 2207” na pinuntuhan ng namatay na si Christine Dacera, tukoy na ng NBI; inspeksyon ng DOT sa City Garden Grand Hotel kaugnay sa posibleng paglabag sa safety and health protocols, natapos na!

Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang personalidad na nagcheck-in sa room 2207 kung saan ito ang kwarto na pinuntahan na namatay na flight attendant na si Christine Dacera matapos mag-party sila ng mga kaibigan nito sa isang hotel sa Makati City noong bisperas ng Bagong Taon.

Isang kwarto lang ang pagitan nito sa room 2209 na kwarto talaga niya at ng kanyang mga kaibigan na flight attendants.

Sa isang panayam, sinabi ni NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin na hindi muna nila inilabas ang mga pangalan ng mga tao na nasa room 2207 pero kabilang sila sa mga inimbita na magbigay ng pahayag kaugnay sa mga nangyari bago namatay si Christine Dacera.


Inaasahan naman bukas tutungo sa NBI ang 11 personalidad na binigyan ng subpoena para magbigay ng kanilang statement bilang mga huling kasama ni Dacera bago ito binawian ng buhay.

Kinumpirma rin ng nasabing ahensya na kukuha sila ng specimen sa mga labi ni christine dacera para sa re-autopsy.

Ito ay sinabi ni Dr. Ricardo Rodaje, hepe ng medico-legal division ng NBI na magsasagawa ng re-autopsy.

Nagpupulong pa ang pamilya Dacera kasama ng NBI forensic team.

Samantala, natapos na ng Department of Tourism (DOT) ang occular inspection sa City Garden Grand Hotel sa Makati City kaugnay sa posibleng paglabag sa protocols ng naturang hotel matapos payagan magcheck-in ang ilang grupo noong bisperas ng Bagong Taon kahit isa itong quarantine facility.

Ilalabas naman ng DOT ang resulta ng imbestigasyon sa susunod na linggo.

Facebook Comments