Ilang PNP ARMM pinarangalan ng Medalya ng Kagalingan, 6th ID CG bisita

Binigyan ng pagkilala ng pamunuan ng PNP ARMM ang ilang mga opisyales at elemento ng kapulisan kasabay ng kanilang mas pinalakas na kampanya kontra ipinagbabawal na gamot at mga kriminalidad.

Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni SI Jemar Delos Santos ,spokesperson ng PNP ARMM, isinagawa ang paggawad ng Medalya ng Kagalingan sa regular na Flag Raising Ceremony sa PRO ARMM Headquarters sa Parang Maguindanao at pinangunahan ni Regional Director CSupt Graciano Mijares kasama si SSupt Madid Paitao , Deputy Regional Director for Administration.

Bisita sa aktibidad ang bagong talagang 6th ID Commander MGen Cirilito Sobejana na nagpaabot rin ng mensahe na ipagpapatuloy ang pagtutulungan ng PNP at AFP para na rin sa kaligtasan ng nakakarami at matiwasay ng pamumuhay di lamang sa Central Mindanao at ARMM kundi sa buong Isla ng Mindanao.


Samantala kabilang sa mga binigyan ng medalya ay sina :

PSUPT IBRAHIM HAMDANI JAMBIRAN, COP OF Parang MPS, SPO4 Salik Panot Guiamad, SPO4 Sammy Esmail Usman, SPO3 Abdulsamad Batangcorop Pagayao, PO2 Sharif Sindatoc Cana, PO2 Luqman Rascal Lidasan, PO1 Faisal Abduhman Sabtal and PO1 Haymen Masser Akmad – all from Maguindanao Police Provincial Office.


Facebook Comments