Tatlong items sa 2022 General Appropriations Act ang vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Department of Budget and Management OIC Sec. Tina Rose Canda nagkaroon ng direct veto pero ang mga ito ay hindi naman maikokonsiderang delikadong mga item.
Kabilang sa mga tinanggal sa 2022 GAA ay ang aplikasyon ng Agrarian Reform Law sa mga State Universities & Colleges, paggamit ng commercial at thrift banks ng Department of Agriculture at ang gender-responsive restroom programs ng Department of Transportation.
Ani Canda, ang mga probisyong ito ay tinanggal sa 2022 GAA dahil wala naman itong budgetary provisions o maituturing lamang na mga rider.
Kahapon, matatandaang nilagdaan ng pangulo ang P5.024 trillion na 2022 national budget na pinakamalaking budget sa kasaysayan ng ating bansa at pinakahuling budget sa ilalim ng administrasyong Duterte.