Ilang senador, umapela kay Finance Secretary Ralph Recto na huwag lumikha ng mga bagong buwis

Ngayon pa lamang ay umaapela na ang ilang mga senador kay bagong Finance Secretary Ralph Recto na huwag itong lumikha ng mga bagong buwis na magpapahirap sa ating mga kababayan.

Panawagan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Recto na huwag lumikha ng mga bagong indirect taxes tulad ng value-added tax (VAT), excise tax sa petrolyo at sales at service tax.

Sakali man aniya na lilikha ng bagong buwis inirekomenda ni Pimentel na mas isulong ang buwis para sa mga luxury items at wealth taxes.


Pinahahabol naman ni Senator Imee Marcos kay Recto ang mga mandaraya at hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Babala pa ni Senator Marcos kay Recto na hindi pa tuluyang nakakabangon sa epekto ng pandemya ang lahat kaya hindi pa dapat lumikha ng mga bagong buwis.

Facebook Comments