Insidente ng pamamaril sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, pinatututukan ng PNP

 

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao kung saan, biktima rito ang Alkalde ng bayan na si Lester Sinsuat at ikinasawi ng kasama nitong pulis noong Enero 2.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, nasa 10 na ang naarestong mga suspek sa insidente at nasampahan narin sila ng kaukulang kaso gaya ng murder gayundin ay illegal possession of firearms habang may isang nakatakas na ngayon ay tinutugis pa.

Ani Fajardo, hindi ito insidente nang pananambang kung hindi isang insidente ng pamamaril habang may gumugulong na pag-uusap sa pagitan ng 2 pamilya para ayusin ang gusot.


Kasunod nito, tiniyak ng pamunuan ng PNP na walang mangyayaring whitewash sa kaso at itinanggi rin nito ang lumulutang na mga imporasyon na may special treatment na ibinibigay sa nakatakas na suspek.

Maliban sa mga sangkot, kinasuhan din ng obstruction of justice ang mga pulis matapos silang malusutan ng isa sa mga responsable sa krimen.

Facebook Comments