Ilang transport group, humihingi ng dagdag pasahe kasunod ng pagtaas ng presyong petrolyo

Manila, Philippines – Dahil sa sunod-sunod na dagdag-presyo sa petrolyo, hihirit na rin ng dagdag-pasahe sa jeep ang ilang transport group.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, dalawang pisong dagdag ang kanilang hihilingin sa LTFRB.

Ngayong araw ang ika-walong sunod na linggong nagpatupad ng oil price hike.


Ang pagmamahal sa presyo ng imported na langis ay epekto pa rin ng pagsasara ng ilang oil refinery sa Texas dahil sa pananalasa ng hurricane Harvey.

Umabot na sa mahigit tatlong piso ang naging taas-presyo sa gasolina at diesel.

Paliwanag ni Energy Usec. Wimpy Fuentabella – hindi nila ito pwedeng pigilan dahil wala silang kontrol sa presyuhan ng gobyerno.

Sa panig naman ng LTFRB, pag-aaralan muna raw nila ang hirit ng mga transport group.

Facebook Comments