Wednesday, February 11, 2026

Ilegal na bentahan ng mga kontrabandong sigarilyo, maituturing na bagong POGO

Maituturing na bagong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang malawak na operasyon ng ilegal na bentahan ng mga kontrabandong sigarilyo mula Luzon hanggang Mindanao.

Ito ang inihayag ni Marikina Rep. Miro Quimbo sa pagdinig ng kaniyang pinamumunuang House Committee on Ways and Means kaugnay ng illicit tobacco trade.

Ugat ng pagdinig ang pagkakasabat sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Batangas at Malabon ng 32 trak ng kontrabandong sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱2.6 billion.

Ayon kay Quimbo, sangkot umano sa ilegal na kalakalan ng mura at kontrabandong sigarilyo ang ilang banyaga, na may mga Pilipinong nagsisilbing protektor.

Binanggit din ng kongresista na hindi pinapatawan ng buwis ang mga produktong ito, mapaminsala sa kalusugan, at nagiging pugad pa ng kriminalidad.

Facebook Comments