Thursday, February 12, 2026

Ilegal na minahan sa Bukidnon, napigilan ng NBI,PNP at DENR; 7 Chinese nationals naaresto

Napigilan ng pinagsanib pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang aktibidad ng ilegal na minahan sa Libona, Bukidnon.

Sa isinagawang raid ng mga operatiba, nadiskubre ang isang underground tunnel na ginagamit para sa mineral extraction.

Bukod dito ay merong mga heavy equipment na nakita sa nasabing lugar kabilang dito ang mga dump trucks, backhoes, large generator sets, at processing plants.

Habang may natagpuan rin na mga commercial na pampasabog nang walang tamang permits.

Kaugnay nito, 7 lalaking chinese nationals ang nasa kustodiya ng awtoridad.

Nahaharap naman sa mga kaukulang kaso ang nasabing mga naarestong indibidwal.

Facebook Comments