ILLEGAL DRUG TRADE | BI, naka-alerto na kasunod ng HDO laban kay Peter Lim

Manila, Philippines – Naka-alerto ngayon ang immigration agents kasunod ng pagpapalabas ni Judge Gina Bibat-Palamos ng Makati RTC Branch 65 ng Hold Departure Order (HDO) laban kay suspected drug lord Peter Go Lim

Partikular na naka-alerto ang immigration officers sa mga international airports at ports ng bansa.

Ang HDO laban kay Lim ay kasunod ng kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na may kinalaman sa kasong conspiracy to commit illegal drug trade laban kay Lim at iba pang akusado.


Bukod kay Peter Go Lim, kasama rin sa nasabing kaso na isinampa ng PNP-CIDG sina Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindangan.

Una na ring kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakalabas ng bansa si Lim noong Marso subalit nakabalik na ito ng bansa matapos ang short vacation sa abroad.

Nagpalabas na rin ang korte ng warrant of arrest laban kay Lim noong Martes.

Facebook Comments