Manila, Philippines – Ipagbabawal na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang mga vendors sa Baywalk at Luneta.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada – hindi na maaring makapagtinda ang mga illegal vendors sa mga nasabing lugar.
Giit ni Estrada – bahagi ang mga lugar sa tourist belt kaya’t dapat lamang na mapanatili itong malinis at maayos ang daloy ng trapiko.
Tiniyak naman ng alkalde – na hahanapan ng maayos na lugar para makapagtinda ang mga vendors.
Pinayagan lang niya noon ang ilang vendors na magtinda sa mga nasabing lugar dahil sa hiling na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na noo’y nagpatupad ng livelihood program kung saan binigyan ng food carts ang mga vendors.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments