Ilocos Norte balak bumili ng ‘Sputnik V’ vaccine mula sa bansang Russia

iFM Laoag – Balak umano ng lalawigan ng Ilocos Norte na makausap ang manufacturer ng Sputnik V mula sa bansang Russia upang makapag-order nang mga bakuna.

Ayon kay Atty. Jose Pancho, Chief of Staff ng Provincial Government of Ilocos Norte sa pamumuno ni Governor Matthew Marcos Manotoc, nakasaad sa ginawang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ang kasunduan mula sa manufacturer ng nasabing bakuna upang malaman ang mga detalye dito kabilang na ang pagbili ng mga ito.

Katuwang ng Provincial Government ng Ilocos Norte ang Philippine Archipelago International Trading Corporation (PAITC) sa isasagawang pag-uusap ng dalawang ahensya sa hangarin na makabili narin ng dagdag na bakuna mula sa Russia.


Laking tuwa naman ng mga opisyal ng lalawigan sa hangarin ng lokal na gobyerno dahil higit na inaabala ng nakararami ang kakulangan ngayon ng bakuna hindi lamang sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa.

Maisasagawa ang nasabing pagpupulong sa susunod na buwan pagkatapos ng mahal na araw. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments